Sunday, January 23, 2011

Computer in Planet Mars

          Tauhan: 1.Monitor                    5.Mouse
                       2.CPU                        6.Andy
                       3.Printer                      7. Tagapagsalaysay
                       4.Keyboard


          Tagpuan: Isang araw, sa isang madilim na sulok

   Tagapagsalaysay: Makalipas ang isang bilyong taon, inilipat ng gobyerno ang lahat ng tao sa planetang Mars. Ito ay sa kadahilanang napag-alaman ng mga siyentipiko na ang planetang Earth ay malapit nang mamatay at sumabog. at dahil doon, nabuhay ng matiwasay ang mga tao sa Planetang Mars.At dito ay may naninirahang isang pamilya ng computer ang naninirahan. Isang araw sa isang madilim na sulok ay may magkakapatid na nagtatalo.Pinagtatalunan nila  kung sino ang pinakamahalagang parte ng computer. .

   Mouse:  Hay naku! Mabuti na lang nandito ako dahil sa pamamagitan ko, nagagawa ni Andy ang gusto niyang  gawin sa computer. Sa isang click ko lang eh pwede na niyang paganahin ang iba pang parte ng computer. Ako ang nagsisilbing kanang kamay ni Andy sa twing siya ay magkokompyuter. Ako ang pinakamahalagang parte ng computer.

   CPU:  Anong sinabi mo? kaliit liit mo eh napakayabang mo.Kung inaakala mong ikaw ang pinakamahalaga eh nagkakamali ka.

   Mouse:  Maliit nga pero maraming nagagawa. Kung ganon sino? ikaw?

   CPU:  Oo naman siyempre.

   Mouse:  Sige nga paaano mo nasabi yan aber?

   CPU:  Gusto mong malaman? pwes makinig ka! Iyon ay sa kadahilanang ako ang nagsisilbing utak ng computer.Ikaw kanang kamay ka lang eh ako utak!Sa pamamagitan ko maayos na naisasagawani Andy ang kanyang nais gawin.Sa akin napapapunta ang mga mahahalagang bagay na gustong i save ni Andy.Sa akin din isinasaksak ang USB at ang Flashdrive ni Andy para makapagdownload siys ng mga kanta, laro, movie at iba pa sa kanyang PSP.Sa pamamagatan ko rin nakakapag burn si Andy ng mga CDs and DVDs.

  Tagapagsalaysay:  Narinig ni Keyboard ang sinabi ni Mouse at ni CPU kaaya bumanat din siya at di nagpadaig.

  Keyboard: ano ba kayong dalawa? Tumabi nga kayo at dadaan ang pinakamahalagang parte ni computer.

  Mouse:  Eto pa ang isang mayabang! sige nga pano mo nasabi yan eh pindutan ka lang naman.

  Keyboard:  Anong pindutan lang? wag mong nilalang ang kaya kong gawin1Ako ang pinakamahalaga dahil sa pamamagitan ko naita type ni Andy ang kanyang gustong isulat. Kagaya na lang kahapon. Gumawa si Andy ng  assignment, kung wala ako magagawa ba niya yun? Tsaka tingnan ninyo nga, lagi akong hinahawakan ni Andy kaya ako ang pinakamahalaga.

  Mouse:  Ano ka ba? hawak niya rin kaya ako!

  CPU: kapara hawak lang eh napakayabang ninyo na! Ako naman ang pinakamalaking parte ng computer.

  Mouse:  malaki ka nga, wala ka namang nagagawa.

  CPU:  bawiin mo yang sinabi mo!

  Tagapagsalaysay:  Nagalit si Monitor Dahil nagising siya sa lakas ng sigawan ng kanyang tatlong kapatid.

  Monitor:  Tumahimik kayo! ano bang dahilan ng pagtatalo ninyo?

  Keyboard;  eto kasing si mouse liit nagmamayabang na siya daw ang pinakamahalagang parte ng computer.Hindi niya alam na ako yun kaya itinuturo ko yun sa kanya!

  CPU:  nagkakamali ka! ako ang pinakamahalaga,hindi ikaw o si mouse liit.

  Mouse: Bawiin ninyo yang sinabi ninyo? oo nga at maliit ako pero marami akong nagagawa, hindi tulad ninyo, mga Panget!

  Monitor:  yun lang ba? Pwes wag na kayong magtalo dahil wala sa inyo ang pinakamahalaga.

  CPU; kung ganon sino? ikaw?

  Monitor: Tumpak! Alam ninyo kung bakit? kasi kung wala ako makikita ba ni Andy ang kanyang tina type?makikita ba niya ang kanyang pinapanood? makikita ba niya ang kanyang kausap sa webcam? Makakagawa ba siya ng kanyang assignments? Hindi! kaya ako ang pinakamahalaga. Tsaka kung tutuusin eh wala kayong silbi kung wala ako.Para kayong patay kung wala ako! Tumabi kayo sa dadaanan ko  athuwag kayong maingay dahil matutulog ako!

  Printer:  Sandali lang, hindi ko na kayang tiisin pa ang mga sinasabi mo! Panganay ka pa naman sa ating magkakapatid. Dapat ay pinaiintindi mo na mahalaga tayong lahat.

 Monitor: mahalaga?  hindi ka mahalaga dahilhindi ka ginagamit ni Andy.Ako ang mahalaga hindi ikaw!

  Tagapagsalaysay:  Natahimik ang lahat at umalis si Monitor nang nagmamalaki sa kanyang sarili. Nagtipon tipon namanang magkakapatid at sinimulan ni printer ang pag uusap.

  Printer:  Napakasama niya! parang hindi natin siya kapatid. Para siyangdiyos kung makapagsalita.Kailangan siyang turuan ng leksyon. Sasama ba kayo sa akin?

  Mouse;  oo sasama ako!

  CPU:  ako rin sasama

  Keyboard: sige ako rin pero pano natin siya matuturuan ng leksyon ?

  Printer:  O sige ito ang plano,May assgnment ngayon si Andy at sigurado ako gagawin niya yun pagkatapos niyang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan kaya umalis tayo.

  CPU: Hah? eh di hindi siya nakagawa ng assignments?

  Printer:  Yun na nga eh, kapag umalis tayo mawawalan na rin si monitor ng silbi kay Andy dahil wala tayo.Sa ganon hihingi si ya ng tulong sa atin.

  Mouse: tama!

  Tagapagsalaysay:  At ganon nga ang  nangyari,umalis sina Printer at ang kanyang mga kapatid.Nang matapos  na si Andy sa kanyang pakikipaglaro, pumasok na ito ng kanilang bahay upang gumawa ng assignments pero nagtakasiya dahil wala ang iba pang parte ng computer niya.

  Andy:  bakiy nawawala ang iba pang parte ng computer? Kung wala ang mga iyonay hindi ako makakagawa ng aking assignments.Wala ring silbi itong monitor kung wala ang iba pa.

  Tagapagsalaysay: Narinig lahat ni monitor ang sinabi ni Andy kaya hinanap niya ang kanyang mga kapatid athumingi ito ng tawad sa mga ito.Pinatawad naman ito nina printer,CPU,mouse at keyboard.Nagkabatibati na silang lahat pero huli na ang lahat dahil hindi na sila gagamitin ni Andy dahil meron na itong bagong laptop.

No comments:

Post a Comment